Tama Na Anthony Rosaldo Lyrics

Recently Added Lyrics Anthony Rosaldo Tama Na


[Verse 1]
Ako ang araw, ikaw ang buwan
Pag-ibig nati'y walang hanggan
Ito ang tula ng pusong makata
Sambit ng mga labi sa simula

[Pre-chorus]
Ika'y iibigin, laging pipiliin
Ikaw lang ang nais makapiling
Ito ang pangako ngunit napako
'Di ko alam bakit dito dumako

[Chorus]
Isuko mo na ang laban
Dahil 'di na ako 'yong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit
Tama na
Tama na

[Verse 2]
Akala ko noon ay para sa 'kin ka
Ngunit bakit ngayon tayo'y malabo na
Ito ang tugon ng pusong napagod
Mahal kita pero paalam na sa'yo

[Pre-chorus]
Ika'y iibigin, laging pipiliin
Ikaw lang ang nais makapiling
Ito ang pangako ngunit napako
'Di ko alam bakit dito dumako

[Chorus]
Isuko mo na ang laban
Dahil 'di na ako ang 'yong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit
Tama na

[Bridge]
'Di makatingin, ang hirap sabihin
Tulungan mo akong ika'y palayain

[Chorus]
Isuko mo na ang laban
Dahil 'di na ako ang 'yong kailangan
Itago mo sa isipan alaala ng ating pagmamahalan
Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit
Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit
Paulit-ulit kumakapit 'di mapilit
Tama na
Tama na