Sang-Ayon (Theme from "Stories from the Heart: Love On Air") Gabbi Garcia Lyrics

Recently Added Lyrics Gabbi Garcia Sang-Ayon (Theme from "Stories from the Heart: Love On Air")


[Verse 1]
Ako'y ulan, ika'y uhaw sa tubig
Ika'y daan, pag 'di na alam kung sa'n ba uuwi
Ako'y buwan at ikaw ang araw
Lagi tayong nariyan, binibigyang liwanag ang dilim

[Chorus 1]
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso

[Verse 2]
Minamasdan ang 'yong ngiting makisig
Inaasam na ang dahila'y ang aking pagsambit
Na ang laman ng aking puso't isip
Tanging ikaw lang, magbago man ang ikot ng daigdig

[Chorus 1]
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso

[Chorus 2]
Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko
Sumalungat man ang ating pagkatao
Ang puso ko ay sigurado na sa'yo
Pag-ibig na ang nagpasya nito

[Instrumental]

[Chorus 1]
At kahit pa sa isang daang bagay 'di magkasundo
'Di maikakailang sumasang-ayon ang puso
Hohhh... ohh... ohh...

[Chorus 2]
Ikaw na nga ang hinahanap-hanap ko
Sumalungat man ang ating pagkatao
Ang puso ko ay sigurado na sa'yo
Pag-ibig na ang nagpasya nito

[Outro]
Pag-ibig na ang nagpasya nito