Hesus ikaw ang kublihan ko GACC Praise and Worship Lyrics

Recently Added Lyrics GACC Praise and Worship Hesus ikaw ang kublihan ko


Mundo may gumugulo
Lalong magtitiwala Sayo
Paligid man ay nag-iba
Ikaw pa rin ang aking pag-asa

Hindi matatakot
Hindi mangangamba
Pagka’t kalinga Mo’y taglay sa tuwina

Hesus, Ikaw ang Siyang kublihan ko
Matibay na moog ng buhay ko
Sa lahat ng panahon
Ikaw ang kanlungan ko
Panginoon


Kay bilis man
ng panahon
Mga mata Sayo’y itutuon
Daigdig may naliliglig
Sayo’y lubusang mananalig

Hesus, Ikaw lamang ang sandigan ko
Mga pangako Mo’y lakas ng aking puso
Kalasag Ka noon hanggang ngayon
Pag-iingat Mo’y panghabang panahon